Huwebes, Enero 17, 2013

Ang Pilipinas !!!

Pilipinas aking bayan
Ito'y aking sinilangan
Simula ng ako'y bata
Bansang ito aking kinalakihan

Bata pa lamang 
Ito na ang ipinagmamalaki
Sa magagandang lugar
Na aki'y pinuntahan

Di pinagsisisihan 
Na ako'y taga rito
Maasahan na 
Kayang ipagmalaki ito

Sa bawat lugar 
Na iyong mapupuntahan
Di pagsisisihan
Dahil sa ganda nito

Kahit mga turista 
Dumarayo pa
Kahit na kanilang tirahan
Ay napakalayo

Isinulat ko ito para maintindihan ng maraming Pilipino na ako'y sobra masaya dahil marami tayong naipagmamalaki sa ating bansa. Kaya IKAW kaya mo bang ipagmalaki ang Bansa natin tulad ng pagmamalaki ko..?

Sana Ikaw rin ay maipagmalaki ang ating bansa .

Miyerkules, Enero 16, 2013

Pilipinas Tara Na! Lyrics
Words by: Rene Nieva
Composed by: Mike Villegas and Rico Blanco
Arranged by: Angelo Villegas

Ikaw ba'y nalulungkot
Naiinip, nababagot
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi’y puro kayod? 

Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago? 

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo. 

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. 

Nakita mo na ba
Ang mga windmills ng Bangui
Lumang simbahan ng Paoay
At mga mansyon sa Silay? 

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union? 

Tara na, biyahe tayo
Nang ating malaman
Ang kahalagahan
Ng pagbibigayan. 

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. 

RAP:
Mula puno’t dulo
Ng archipelago
Ang sasalubong sa ‘yo
Mga ngiti ng bawat tao
Pagtanggap sa bisita at pagpapasaya
Sa Pinoy ay wala nang tatalo pa! 

Naranasan mo na ba
Ang mag-wakeboarding sa Camsur
Ang mag-boating sa Loboc at sa
Underground River ng Puerto Princesa? 

Natikman mo na ba
Ang Sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan? 

Tara na, biyahe tayo
Ang Maykapal ay pasalamatan
Sa lahat ng biyayang 
Natanggap ng ating bayan.

Halika, biyahe tayo
Nang ating Makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. 

Nalibot mo na ba
Ang puno’t dulo ng Luzon
Aparri thru Calabarzon
All the way to Sorsogon? 

Naki-parada ka na ba
Sa Higantes sa Angono
Bulaklak sa Panagbengga
At Parol sa San Fernando? 

Tara na, biyahe tayo
Lumingon sa pinanggalingan
Nang tayo’y makarating
Sa ating paroroonan. 

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino. 

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan. 

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.



INILAGAY KO ITO SA AKING BLOG DAHIL IPINAHIHIWATIG NITO NA LIBUTIN NATIN ANG ATING BANSA UPANG MATUKLASAN NATIN ANG KAGANDAHAN NITO KASAMA ANG ATING MGA MAHAL SA BUHAY... :D
Ang mga Batang Napariwara
(Itoy aking sariling gawa , sana mapulutan nyo ng aral)

Mga batang napariwara
Nalululong sa mga droga 
Walang ibang inatupag 
Kundi sa gilid humihithit

Ano ang ating gagawin?
Hahayaan na lang sila
Na ipagpatuloy nila
Ang kanilang ginagawa

Tulungan na lamang sila 
Abutin ang mga pangarap
Para sa kasalukuyan
Upang di mapariwara

Wala nang ibang tutulong
Sa kanila kundi tayo
Sana makiisa tayo
Para rin ito saatin ,
At para saating bansa

Tara Sama Ka !! Lubutin Ang mga Lugar sa Pilipinas..

 Taal Volcano, isa sa pinakamaliit na bulkan sa buong daigdig. Ito ay matatagpuan sa Batangas . Isa rin ito sa mga aktibong bulkan, Ito'y ipinagmamalaki ng mga taga -Batangas dahil sa lawa na nasa gitna ng bulkan . Marami rin mga turista ang naiinganyo pumnta dito.


Bulkang Mayon , isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas . Ito ay matatgpuan sa Legazpi , Albay . Ipinagmamalaki ng mga Bicolano ang Bulkang ito dahil sa pagiging perpekto ng hugis nito tulad ng isang apa. At kung pupunta ka sa lugar na ito maraming mga turista ang pumupunta para lang makita ito.
Chocolate Hills, matatagpuan sa Bohol . Ito ay mga burol na kung saan nagbabago ang kulay dahil sa panahon. Kapag tag-ulan ang kulay ng mga burol ay berde at kung tag-araw naman ang kulay ng mga burol ay kulay tsokolate. Ang mga taga-Bohol ay ipinagmamalaki ito dahil na rin sa daming burol at magagandang tanawin. Marami din ang dumarayo dito makita lang talaga ang mg burol na ito.



AKO AY ISANG PILIPINO NA LUBUSANG IPNAGMAMALAKI ANG ATING BANSA , ANG PILIPINAS . KAYA KO ITO GINAWA PARA MAKITA NYONG LAHAT NA KAYANG KAYA KO ITONG IPAGMALAKI DAHIL SA MGA LUGAR NA PATI ANG MGA TURISTA AY DINARAYO NA ANG ATING BANSA DAHIL SA NAPAKAGANDA NAMAN TALAGA NG MGA ITO. 

KAYA IKAW IPAGMALAKI MO NA RIN ANG ATING BANSA... !!!!


Biyernes, Enero 11, 2013

Ipagmamalaki mo ba na Ikaw ay Tunay na Pinoy?


"Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino" . Ito ang mga salitang laging maririnig mo sa bawat tao dito sa aming bansa, Ang Pilipinas.  Bakit nga ba mahalaga ang lahing ito saatin ?  Bakit sa bawat problema at sakuna  ang  natatamasan  nating mga Pilipino mahalaga pa rin saatin ang atng Lahi ? Bakit sa bawat pananakop ng ibang bansa sa ating bansa , naipagmamalaki pa  rin natin ang ating Lahi ? 
                               
                                 "Ikaw kaya mo pa rin bang ipagmalaki ang ating Lahi?"